-- Advertisements --

Tiniyak ng Pfizer Inc at BioNTech SE na ang kanilang COVID-19 vaccine ay ligtas at epektibo.

Ayon kay Albert Bourla ang chairman at chief executive ng Pfizer na ang nagpapalakas din ng antibody response ang bakuna sa mga may edad 12-15.

Pinayagan na rin aniya ang bakuna na gamitin ng mga may edad 16 pataas.

Sa kabuuang 2,260 na mga 12-15 anyos kung saan 18 kaso ng COVID-19 sa grupo ang nagkaroon ng placebo shot at wala sa grupo ang nabakunahan.

Nagresulta ito sa 100% efficacy ng bakuna.

Sa susunod na linggo ay balak nilang makakuha ng emergency authorization mula sa US Food and Drugs Administration para makapagsimula na silang magbakuna bago ang pagbubukas ng paaralan.