-- Advertisements --
Posibleng makuha ang kumpanyang Pfizers sa booster shots ng COVID-19 sa US.
Sinabi ni US infectious disease expert Dr. Anthony Fauci na nagiging maganda ang ipinapakitang performance ng Pfizers kumpara sa Moderna.
Kailangan pa kasi ng ilang panahon ang Moderna bago maaprubahan ng US medical regulators na gamitin bilang booster shots.
Hindi naman nagbigay ng katiyakan si Fauci kung tuloy nga ba ang plano ng US sa pagbibigay na ng booster shots pagsapit ng Setyembre 20.
Nauna rito inanunsiyo ni US President Joe Biden na magsasagawa na sila ng booster shots sa Setyembre 20 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.