-- Advertisements --

Nag-apply ng emergency use authorization sa India ng kanilang coronavirus vaccine ang Pfizer.

Sinabi ni V.K. Paul ang government adviser ng gobyerno ng India na lumapit sa kanila ang US company para humingi ng authorization use.

Dagdag pa nito na sila ay nalulugod sa nasabing interest ng nasabing kumpanya.

Inamin ng India na mahihirapan sila na hawakan ang nasabing bakuna dahil sa kailangan na magkaroon ng malamig na taguan ang nasabing bakuna.

Nasa 9.67 million na kasi ang kaso ng COVID-19 sa India na siyang pangalawang pinakamalaking bilang susunod sa US.