-- Advertisements --
Tiwala ang kumpanyang Pfizer na masusunod ang inilatag nilang distribution plan.
Ito ay matapos na magsimula na unang shipment ng COVID-19 vaccine ng nasabing kumpanya sa 50 estado .
Ang unang freight trucks na mayroong 184,275 vials ng vaccine ay umalis na sa kanilang planta.
Guwardiyado ito ng mga kapulisan at national guard ang nasabing truck.
Mayroong karagdagang 3,900 vials ang inaasahang ipapadala sa ilang US territories at 400 boxes na mayroong 390,000 vials ang nakatakdang ipadala sa araw ng Miyerkules.