Pinayagan na ng US FDA ang pagtuturok ng Pfizer vaccine sa mga kabataan mula 12 hanggang 15-anyos.
Ginawa ng ahensiya ang desisyon matapos ang matagumpay na clinical trial ng Pfizer at BioNtech sa mahigit 2,000 mula sa naturang age group na nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna o placebo.
Agad na sisimulan ang pagbabakuna sa mga kabataan sa oras na aprubahan ito ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Sa ngayon kasi ayon sa CDC, mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng komplikasyon ang malusog na bata gaya ng lagnat kumpara sa sakit na COVID-19.
Nasa 10 porsyento lamang din o 3.85 million mga bata ang natamaan ng coronavirus sa kabuuang bilang ng confirmed cases sa amerika.
Tiniyak ni FDA Comissioner Dr. Janet Woodcook sa mga magulang at guardians ng mga tuturukang mga bata na dumaan sa masinsinang pagsisiyasat ang lahat ng datos ng mga ginawaran ng ahensiya ng COVID-19 vaccine emergency use authorization.
Isa lamang ang Pfizer sa mga vaccine manufacturer na nagsagawa ng clinical trials para sa pagbabakuna ng mga bata na layuning makabalik na ang mga estudyante sa paaralan, mabawasan ang hawaan ng coronavirus sa komunidad at maproteksyunan ang mga bata na mayroong kondisyon mula sa peligro.
Maliban naman sa Pfizer, kabilang din ang Moderna na nagsasagawa ng COVID-19 vaccine trial sa mga bata na edad sa pagitan anim na buwang gulang hanggang 11-anyos.