-- Advertisements --

Sinang-ayunan ng Food and Drug Administration (FDA) ang vaccine czar na si Sec. Carlito Galvez na ang vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech ang maaring unang batch na magamit sa Pilipinas lalo ng mga health workers at mga frontliners.

Sa forecast ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo, sinabi nito na magmumula kasi sa World Health Organization (WHO) ang unang supply na darating dahil ang Pfizer COVID-19 vaccine ang nabigyan pa lamang nila ng emergency use.

DOMINGO FDA
FDA Dir. Gen. Eric Domingo

Una nang tinaya ng WHO country representative na maaring ang second allocation sa Pilipinas na bakuna kung hindi man dumating sa katapusan ng buwan ay sa buwan ng Marso ay susunod na ide-deliver ng British-Swedish drugmaker ang AstraZeneca.

Una nang sinabi ni Galvez na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 117,000 initial doses ng Pfizer mula sa COVAX facility ng WHO.

Habang nasa 5.5 million doses naman ng AstraZeneca vaccines ang inaasahan din sa COVAX facility sa loob ng first quarter ng taong ito.