-- Advertisements --

Nananatiling mataas ang effectivity ng pagbabakuna ng dalawang dose ng Pfizer COVID-19 vaccines laban sa severe kabilang ang mas nakakahawang Delta variant ng hanggang anim na buwan.

Ayon kay Pfizer at healthcare provider Kaiser Permanente na batay sa records mula sa 3.4 million na residente ng southern California, nasa 1/3 dito ang fully vaccinated na sa pagitan ng December 2020 at August 2021.

Napag-alaman na ang mga fully vaccinated na indibdwal ay nakitaan na 73% protektado laban sa COVID infection at 90% naman na hindi ma-admit sa ospital makalipas ang nasa average period na tatlo hanggang apat na buwan mula ng makumpletong mabakunahan.

Bumababa lamang ng hanggang 40% ang proteksyon laban sa variant of concern na Delta habang nananatili namang mataas ang proteksiyon na naibibgay ng Pfizer vaccine mula sa hospitalization bunsod ng iba pang mga variants ng COVID-9.

Ang naturang resulta ng pag-aaral ay pareho ng preliminary data mula sa US at Israeli authorities.

Base sa naturang findings, binibigyang diin nito ang kahalagahan ng monitoring sa effectiveness ng bakuna habang tumatagal at inirerekomendang kailangan ng booster shots upang maibalik ang inisyal na mataas na proteksyon laban sa covid19.