May mga adjustments na ipinatupad ang Philippine Football League (PFL) sa pagsisimula ng fourth season.
Ayon kay PFL commissioner Coco Torre , na imbes na double round robin format sa mga laro ay magiging single-round robin na lamang ito para kumasya sa calendar playing dates nila.
Pinag-aaralan pa rin nila ng mga petsa ng laro at kanila itong ilalabas kapag nakumpleto na.
Magugunitang pinayagan na ng gobyerno na magkaroon ng pagsasanay ang mga professional basketball at football team ng bansa matapos na luwagan nila ang ipinapatupad na quarantine measures.
Hindi pa ring papayagan ang mga audience na manood ng mga laro sa PFF National Training Center sa Carmona.
Magugunitang nakatakda sanang magsimula ang mga laro noong Marso subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi na ito natuloy.