-- Advertisements --

Binisita ng Philippine Football League (PFL) ang mga lugar na paggaganapan ng kanilang bubble games.

https://www.instagram.com/p/CGEn_75Blhy/

Sinabi ni PFL commissioner Coco Torre, tinungo nila ang Seda Nuvali sa Sta. Rosa city, Laguna.

Tinignan nila ang mga pasilidad nito para maisagawa na ang pagbabalik ng mga football games.

Balak kasi ng PFL na magsagawa ng bubble format bilang pagtugon sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).