-- Advertisements --

Kinontra ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) president South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr, ang listahan na inilabas ni Senator Imee Marcos na mga kandidato nila para sa susunod na taon.

Sinabi ni Tamayo na sila ang pormal ng mag-aanunsiyo kung sino ang maaring isama ng partido sa kanilang tickets.

Inamin niya na nagkaroon lamang ng mga pagpupulong noong mga nakaraang araw subalit hindi na napag-usapan ang pinal na listahan.

Magugunitang naglabas ng listahan si Senator Imee Marcos ng mga pangalan na tatakbo sa adminsitration tickets nitong araw ng Martes.