-- Advertisements --
UP PGH ABS CBN Jekki Pascual sunog
IMAGE | Fire incident in UP-Philippine General Hospital/Photo by Jekki Pascual, ABS-CBN News

MANILA – Umapela ng tulong ang pamunuan ng University of the Philippines matapos masunog ang isang bahagi ng UP – Philippine General Hospital nitong madaling araw.

Sa isang advisory, nanawagan ng emergency donation ang UP para maabutan ng tulong ang mga apektadong staff at pasyente ng ospital.

Para sa mga nais mag-abot ng “non-food donations” sa Nurses Home, maaari raw hanapin sina Ed Christian Lopez at Bobo Gutierrez, na kapwa Property & Supply Officer. Pwede rin daw tumawag sa numerong 0917-772-3947.

Ang mga magdo-donate naman ng pagkain ay pinapayuhan na magpa-deliver sa PGH ORTOLL Reproductive Center.

Ang contact person para sa mga food donation ay si Dr. Michael Castillo (0956-592-8892), at Emelita Lavilla, Dietary Head (0922-831-8994) para sa koordinasyon.

Para naman sa mga nais mag-donate ng pera, maaari raw mag-abot ng donasyon sa cashier-on-duty na si Rose Acabado (02-8554-0440 loc. 2016).

“So that official receipts may be given.”

Habang ang online cash donations ay pwedeng i-abot sa pamamagitan ng Development Bank of the Philippines.

  • Account Name: UPM-PGH Trus Liability Fund
  • Account Number: 00-0-05028-410-8

Pinapayuhan ang mga magbibigay ng online cash donation na magpadala ng email sa cash.uppgh@up.edu.ph.

Ang Swift Code naman ng DBP ay DBPHPHM.

“May also coordinate with BAYANIHAN NA Operations Center at 155-200.”

Maging ang Office of the Student Regent ng unibersidad ay nagbukas din ng donation drive para sa mga naapektuhan ng sunog sa PGH.

Maaari raw magpadala ng in-kind donations na face mask, tubig, at pagkain sa Tulong Kabataan Network sa 117-C Matatag Street, Brgy. Central Diliman, Quezon City.

May mga online cash donation channels din ang UP-OSR.

Bukod sa UP, nanawagan din si Vice President Leni Robredo sa mga may kapasidad na mag-donate ng malalaki at industrial fans.

“Appealing to anyone with big, industrial fans who would be willing to lend them. PGH urgently needs them to dissipate the smoke that enveloped the hospital due to the fire. Thank you,” ani Robredo sa isang online post.