-- Advertisements --

Nawalan ng suplay ng kuryente ang Philippine General Hospital nitong Lunes ng gabi.

Mabilis na inilipat ang ilang mga pasyente sa ibang pagamutan dahil hindi gumana ang generator ng pagamutan.

Sinabi naman ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office director Arnel Angeles na naibalik din ang suplay ng kuryente halos isang oras.

Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa nasabing insidente.