-- Advertisements --

Nilimitahan na ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga pasyente sa kanilang emergency room.

Ayon kay PGH spokeseperson Dr. Jonas del Rosario, na umabot na sa ‘critical overcapacity’ ang kanilang ER.

Dahil na rin sa dami ng mga pasyente ay nagkukulang na rin ang supply ng kanilang oxygen cords.

Tiniyak naman ni Del Rosario na kanilang maayos din ang nasabing problema sa mga susunod na araw.

Hinikayat naman ng Department of Health ang publiko na iwasan munang magpa-confine sa PGH habang inaayos pa nila ang nasabing problema.