Nilinaw ng Philippine General Hospital (PGH) na walang kinalaman sa pulitika ang pagkapuno ng kanilang emergency room (ER), sa halip, bunsod umano ito ng kakapusan ng oxygen.
Ginawa ng tagapagsalita ng PGH na sir Dr. Jonas Del Rosario ang paglilinaw nang matanong kung ang dahilan ng pagkapuno ng kanilang ER ay ang mga nirerefer na pasyente ng mga pulitiko.
Paliwanag ni Dr. Del Rosario na bagamat may ilan na may dalang guaranteed letter ay madalas na elective admission o scheduled surgery ang mga ito at hindi emergency.
Saad pa nito na talagang nangyayari ito sa mga nakalipas na linggo at marahil dahil na rin sa kasagsagan ng malubhang init kayat maraming nagtutungo sa ospital.
Lagi naman aniya ito nangyayari hindi lang sa kanilang ER kundi maging sa intensive care unit (ICU) din subalit hindi lang madalas ina-anunsiyo at ginagawan na lang ng paraan.
Tiniyak naman ng PGH personnel na ia-anunsiyo nila sa loob ng 2 hanggang 3 araw ang update sa ER ng ospital dahil kasalukuyan pa nilang tinutugunan ang naturang isyu.