Inamin ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na karamihan sa mga batang naka-confine sa nasabing hospital dahil sa COVID-19 infections ay nakarekober mula sa nakamamatay na virus.
Ayon kay PGH spokesperson, Dr. Jonas del Rosario, nasa walong bata na may COVID-19 ang kasalukuyang naka-occupy sa kanilang 12-bed pedia ward habang may apat na pasyente pa ang naghihintay for admission.
Ang edad ng mga batang admitted ay may edad hanggang 15-anyos.
Sinabi ni Dr. Del Rosario na kahit nagiging severe o critical ang mga bata ay karamihan sa kanila ay nakaka-recover.
Sinabi pa ni Del Rosario, pinayagan naman nila ang isa sa mga magulang ng mga batang nasa ICU na manatili.
Batay sa datos, ang PGH ay mayroong 6 percent mortality rate sa mga batang infected ng COVID-19 virus.
Ayon naman kay Dr. Anna Ong-Lim, member ng Department of Health technical advisory group, sinabi nito na ang mga bata na nagpositibo sa COVID-19 ay mayruong comorbidities gaya ng sakit sa puso.
Aniya, karamihan din sa mga bata na infected ng virus ay mild o asymptomatic.
Kinumpirma din ni Dr. Del Rosario na puno na sa ngayon ang 40 bed capacity ng PGH para sa adult intensive care unit at 90% sa mga pasyente admitted sa ICU ay hindi pa mga bakunado.
Dagdag pa ng opisyal na 70 percent sa kabuuang COVID-19 cases ng PGH ang hindi pa nakatanggap ng vaccine jabs.