Gumamit na ng kanilang chopper ang Philippine Air Force (PAF) para sa pag-apula ng malaking sunog sa Aroma, Tondo, Manila nitong Sabado.
Layunin nitong makapagsagawa ng bucket approach o pagbuhos ng tubig sa pinakasentro ng sunog, habang shower naman ng tubig ang gagawin sa mga hindi pa nakakapitan ng apoy.
Nabatid na daan-daang bahay sa residential area at dalawang malaking building o ang Bldg 27 at 23 ang napinsala ng sunog.
Ganap na alas-11:44 ng umaga ng itaas ang first alarm.
Bandang alas-11:45 ng umaga naman ang second alarm.
At alas-11:56 ay third alarm, alas-12:13 ng tanghali ay fourth alarm, at fifth alarm makalipas lang ang ilang segundo.
Ganap na alas-12:24 ng tanghali nang itaas ang task force Alpha, ala-1:33 ng hapon naman nang ideklara ang task force Bravo.
Agad umanong magsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung saan nagsimula ang pagkalat ng apoy sa nasabing lugar.