Bahagyang bumaba ang world rankings ni Alex Eala sa Women’s Tennis Association (WTA) bago pa man ang kanyang pagbabalik sa juniors para sa prestihiyosong US Open na gaganapin sa September 6-11, 2021 sa New York.
Sinasabing kabilang sa dahilan ay ang halos kawalan ng events sa women’s pro circuit .
Ang Filipina sensation ay bumaba sa No. 513 batay sa updated list ng WTA matapos ang career-best placing na No. 505.
Gayunman pagdating sa juniors nasa No. 2 seed si Eala sa US Open girls’ singles.
Ang 16-anyos ay ang world juniors No. 2 sa likod ng No. 1 na si Victoria Jimenez Kasintseva ng Andorra, na siya ring magiging top-seeded player sa nalalapit na US Open.
Target ni Eala ang kanyang first singles at third overall Slam sa US Open ngayong taon matapos makuha ang dalawang doubles titles.