Nasilat ng tennis star mula sa Pilipinas na si Alex Eala ang No. 1 seed na si Seone Mendez ng Australia 6-4, 6-1 para umusad siya sa International Tennis Federation (ITF) Women’s World Tennis Tour W15 sa Manacor, Spain.
Una nang inilampaso ng Pinay sa score na 6-1, 6-2 ang kalabang Italian na si Anna Paradisi sa Round 1.
Dahil sa panalo ni Eala kay Mendez papasok na siya sa quarterfinals upang harapin naman ang fifth seed na si Carole Monnet ng France.
Bago ang laban ni Eala, nagtala na ang pambato ng Espanya ng mahigit sa 160 na panalo.
Si Eala ay kasalukuyang nasa Rafael Nadal Academy sa Spain kung saan siya nag-eensayo.
Noong nakalipas na taon ay lumahok din si Eala sa 2020 Australian Open na umagaw din ng atensiyon dahil sa maganda niyang performance.