-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi sasama ang Philippine Army 3rd Infantry Division sa kumakalat na balitang destabilisation plan laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang pahayag ni Lt.Col J-Jay Javines, spokesperson ng PA 3ID ng makapanayam ng Bombo Radyo Roxas.

Sinabi nito, na natuto na ang lahat ng miyembro ng organisasyon dahil sa mga nakaraang destabilisation plan na kinasa laban sa gobyerno kung saan may mga dating miyembro ng PA ang sinibak sa pwesto at nawalan ng benepisyo dahil sa pagsuporta.

Maliban dito, walang magandang maidudulot ang destabilisation at negatibo ang maging epekto sa ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Javines, na mananatili silang tapat sa sinumpaang tungkulin.