-- Advertisements --
image 167

Pinangunahan ng Philippine Army kasama ang Department of Agriculture ang simultaneous na pagtatanim ng isang milyong fruit bearing trees sa bansa.

Isa nga sa layunin ng nasabing aktibidad ay ang food security at magpapatuloy ang pagtatanim hanggang sa maabot ang target na isang milyon.

Sa ngayon ay nagtanim dito sa Fort Bonifacio, ng 126 fruit bearing trees tulad ng durian, avocado at coconut.

Kabilang rin sa mga nagtanim ngayong araw ay ang ilan pang mga malalaking kampo ng Philippine Army sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon naman kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, itong aktibidad ay makapagbibigay ng kabuhayan sa mga magsasaka at ilang mga negosyante.

Kasabay ng tree planting activity ay ang pagpirma ng memorandum of partnership sa pagitan ng Department of Agriculture at Philippine Army.