Nakapuwesto na ang security protocols sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ng Philippine Army para sa paparating na Undas, ito’y sa gitna ng banta ni VP Sara sa katawan ng dating pangulo Ferdinand Marcos Sr.
Ayon Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala, tinuturing niya “political statement” ang mga binitawang banta ng ikalawang pangulo. Ngunit kung sa security protocols na ipinapatupad ng Philippine Army, taon-taon naman ang pagpapaigting para na rin sa pagpapanatili ng kaayusan ng lugar.
Tiniyak pa ni Dema-ala na ang lahat ng nakalibing sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ay ligtas sa anumang maaaring masamang gawin.
Magugunita na kamakailan ay nagpahayag ng banta si VP Sara Duterte na kung hindi siya titigilan ng pamilyang Marcos ay huhukayin niya ang katawan ng dating pangulo Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Philippine Sea.