-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaigting ng major units ng Philippine Army ang kanilang anti-insurgency operations laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na magdiriwang ng kanilang ika-56 na taong anibersaryo bukas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na nangunguna na layunin nito ay upang hindi makapaghasik kaguluhan ang armadong kilusan habang naghahanda ang bansa sa pagsalubong ng bagong taon.

Sinabi ni Dema-ala na bagamat nag-iisang weakened guerilla front na lang ng CPP-NPA ang kanilang tina-trabaho subalit ayaw nila pakampante kahit malaki na ang nararating ng ‘whole of the nation approach’ ng gobyerno dahil maraming buhay na ang na sakripisyo simula ng tinangka ng CPP-NPA na pabagsakin ang demokrasya.

Magugunitang kapwa hindi nagdeklara ng ‘unilateral ceasefire’ ang dalawang panig na nangangahulugan na tuloy ang mga operasyong-armado sa kanayunan.