ROXAS CITY – Mas pinaigting pa ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP) ang pagmonitor sa seguridad sa buong Isla ng Panay matapos ang serye ng insidente na kinasasangkotan ng mga public officials.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Captain Roel Maglalang, Civil Military Operations Officer, 301st Brigade sang Philippine Army (PA), heightened alert na ang sundalo para hindi mangyari sa Panay Island ang mga patayan na nagaganapan sa ibang lugar katulad na lang sa nagyaring pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at 8 pang sibilyan.
Sinabi din nito, na sa ngayon wala pang public officials ang nagreport na mayroong banta sa kanilang buhay o death threat at kontrolado rin ang political rivaltry sa mga probinsya.
Sa kabilang banda, dismayado si Maglalang at buong hanay ng Philippine Army matapos dating mga sundalo na nag-AWOL sa serbisyo ang suspek sa pagpatay kay Governor Degamo.
Sa ngayon may plano na ang PA para hindi na maulit ang katulad na insidente.