-- Advertisements --

NAGA CITY – Patuloy ngayon sa pagbibigay tulong ang mga sundalo mula sa Bicol region sa mga biktima ng sunod-sunod lindol sa Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. Joash Pramis ng 901st Infantry Brigade, sinabi nito na nasa dalawang linggo na silang nasa disaster response operation sa lalawigan ng North Cotabato.

Aniya, naka-alerto sila katuwanag ang iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Pramis, nasa gitna sila ng pag bibigay ng relief goods sa isang barangay sa lungsod ng Kidapawan ng tumama ang lindol kaninang umaga.

Nakita umano ng opisyal ang takot ng mga tao sa lugar ngunit agad naman aniyang nakapagresponde ang mga otoridad.

Sa kabila nito, pinawi naman ng opisyal ang takot ng mga kamag-anak ng mga Bicolanong sundalo na naka-assign ngayon sa nasabing lugar.