CAGAYAN DE ORO CITY – Papatawan ng parusang administratibo hanggang pagkasibak sa trabaho ang kahihitnan ng mga sundalo na masangkot ng indiscriminate firing gamit ang sariling mga baril sa pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa.
Pagpapaalala ito ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala upang hindi magtangka ang sinuman sa kanilang mga kasamahan na magdagdag-problema sa kinaharap ng gobyerno ukol sa isyu ng mga paputok na uma-apekto na sa maraming mga sibilyan simula kapaskuhan hanggang pagtapos ng taon.
Sinabi ni Dema-ala na hindi trabaho ng mga sundalo na maghahasik ng kabulastugan bagkus ay protektahan ang sambayanan laban sa mga bantang pang-seguridad katulad ng insurhensiya na isinulong ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army at ibang teroristang mga grupo sa bansa.
Ito ang dahilan na ngayon pa lang ay matindi na ang pagbibigay paalala ng Philippine Army ng kanilang mga nasasakupan upang hindi madungisan ang mataas na respeto ng publiko ng pangkalahatan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.