Lumagda sa kasunduan ang Philippine Army (PA) at Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) upang palakasin ang reserve force at Reserve Officers Training Corps (ROTC) programs.
Sa ilalim ng MOU na nilagdaan sa Fort Bonifacio, susuportahan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang mga LGU sa pagpapalakas ng reservist units at pagtatayo ng provincial mobilization centers para sa disaster response at seguridad.
Magbibigay naman ng pagsasanay at teknikal na suporta ang PA sa LGUs upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa peace and security efforts.
Ayon kay Phil Army Commander Lt. Gen. Roy Galido, mahalaga ang pagtutulungan ng militar at LGUs sa pambansang seguridad. Samantala, binigyang-diin ni ULAP President at Quirino Gov. Dakila Carlo Cua na ang seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng mga sundalo kundi ng bawat Pilipino, lalo na ng mga nasa lokal na pamahalaan.