CAGAYAN DE ORO CITY – Pinanindigan ng Philippine Army na wala na talagang kakayahan makapaglunsad ng mga malakihang pang-aatake ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) laban sa puwersa ng estado partikular sa rehiyon ng Mindanao.
Tinukoy ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala ang pagbagsak ng liderato ng arm wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) dahil sa pagkasawi ng mag-asawang Jorge Madlos alyas Ka Oris at Myrna Sularte alyas Ka Malaya na kapwa ‘hard core’ commanders ng NPA sa malaking bahagi ng rehiyon.
Sinabi ni Dema-ala kahit wala na umanong kapasidad maglunsad ng malawakang paghahasik kaguluhan ay tuloy-tuloy pa rin ang mga operasyon ng tropa ng 4ID,Philippine Army laban sa mga miyembro ng NPA na hindi pa nagbalik sa pamahalaan.
Bagamat aminado ito na mayroong panunog na ginawa ang NPA rebels sa isang cassava facility sa bayan ng Malitbog,Bukidnon noong nakaraang linggo subalit sapilitan na lang umanong armadong aksyon para ipamukha na may lakas panglaban sa tropa ng gobyerno.
Magugunitang si Ka Malaya ay napatay sa army offensive sa Butuan City noong Pebrero 2025 habang si Ka Oris ay sa Bukidnon sa taong 2019.