-- Advertisements --


CAGAYAN DE ORO CITY – Prayoridad ng Sandahang Lakas ng Pilipinas na tapusin ang internal security operations laban sa lahat ng mga armadong grupo lalo na ang Communisty Party of the Philippines -New People’s Army (CPP-NPA) kaysa makikisawsaw ang mga sundalo sa usaping politika sa bansa.

Pagtitiyak ito ni Philippine Army spokesperson Col.Louie Dema-ala bilang tunggon sa publiko kaysa tatalima sa emotion-driven statement ni Davao del Norte 1st District Congressman Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na tatalikuran na ng government forces ang liderato ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Dema-ala na palagi silang handa sumusunod sa mga kautusan na legal mula sa lehitimong upo na pangulo o binigyang mandato ng mayoriyang boto ng taong-bayan.

Dagdag ng opisyal na hindi sila magpapagamit bagkus ay de-depensahan nila ang konstitusyon at tuloy-tuloy lang sa kanilang trabaho na panatilihin ang seguridad at katahimikan ng bansa kontra internal security theats tulad ng NPA rebels.