-- Advertisements --

Lumagda ng memorandum of understanding (MOU) ang Pilipinas sa pagitan ng mga bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bloc.

Layunin nito na maipatupad ang zero-tariff measures sa mga essential goods sa panahon ng pandemya.

asean leaders bangkok

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang paglagda ng MOU ay sang-ayon sa Economic Ministers of the ASEAN may kaugnayan sa implementasyon ng Non-Tariff Measures (NTM) sa mga essential goods sa ilalim ng Hanoi Plan of Action on Strengthening ASEAN Economic Cooperation at Supply Chain Connectivity in Response to the COVID-19 Pandemic.

Aniya, ang nasabing hakbang ay malinaw na nagpapakita sa pangako ng ASEAN na panatilihing bukas ang mga merkado, siguraduhin na hindi maapektuhan ang daloy ng mga essential goods at nagpapakita ng katatagan sa ekonomiya sa gitna ng COVID-19.

Nakita nila ito bilang isang positibong pag-unlad na makakatulong sa pamayanan ng Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa sa rehiyon.