Nagsagawa ang Pilipinas at Australia kamakailan ng humanitarian assistance and disaster relief (HADR) exercise bilang paghahanda para sa the Big one o malakas na lindol na tinatayang malaki ang magiging epekto sa muilyun-milyong Pilipino.
Ito ang kinumpirma ng Office of the Civil Defense ngayong araw ng Sabado, Setyembre 30.
Dito, nagkaroon ng emergency situations ang civilian at military experts mula sa Pilipinas at Australia na dinisenyo para mapataas ang kaalaman sa disaster management systems ng bansa at kahandaan sa pagtanggap ng international response.
Inorganisa ng Australian embassy ang naturang exercise sa pakikipag-partner sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ginanap sa Her/His Majesty Australian ship na isa sa pinakamalaking baarko ng nasabing bansa noong Setyembre 27.