Pinagtibay ng Pilipinas at Australia ang legalidad ng 2016 arbitration award sa bansa.
Isinagawa ang paglabas ng joint statement kasunod ng fifth Philippine-Australia Ministerial Meeting (PAMM) na ginanap nitong Agosto 23.
Kapwa nangamba ang dalawang foreign at trade ministers ng dalawang bansa ukol sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Kahit na hindi nila pinangalanan ang China ay sinabi ng dalawang bansa na dapat maging mahigpit ang pagbabantay ng mga bansang nakapalibot sa WPS.
Binigyang halaga ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng freedom of navigation at dapat lahat ng mga mga disputes ay mapayapang resolbahin.
Ang nasabing joint statements ay inilabas nina Australian Minister for Foreign Affairs and Minister for women, Senator Marise Payne at Australian Minister for Trade, Tourism and Investment Dan Tehan at sina Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr at Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.