-- Advertisements --

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Cambodian Prime Minister Hun Manet na palakasin pa ang kalakalan sa bigas sa pagitan ng 2 bansa.

Ayon sa PCO, nagkaroon ng bilateral meeting ang 2 lider sa sidelines ng ASEAN -Australia special summit kung saan binigyang diin ng 2 ang nagpapatuloy na mga pagsisikap para talakayin ang double taxation at mapahusay pa ang ease of doing business.

Tinalakay din ng 2 lider ang pagpapalawig ng flight connections para mapag-ibayo pa ang accessibility para sa primyadong tourism destinations ng 2 bansa.

Nagkasundo din sina Pang. Marcos at Cambodian PM Manet na palakasin ang defense ties para matugunan ang mutual security concerns.