Pinagtibay ng Pilipinas at Canada ang kanilang commitment para matiyak ang ligtas at matatag na Indo-Pacific region.
Ginawa ito sa naging pagpupulong sa pagitan nina Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Enrique Manalo at Canadian Foreign Minister Mélanie Joly sa Ottawa, Canada.
Ayon kay Canadian Ambassador to the PH David Hartman na napag-usapan ng 2 opisyal ang patuloy na pakikilahok ng Canadian Armed Forces sa multilateral military exercises sa pangunguna ng Pilipinas at iba pang partner na bansa.
Pinagtibay din ng 2 opisya ang shared commitment sa paninindigan sa demokrasiya, soberaniya, multilateralism at binigyang diin din ang kahalagahan ng international law kabilang ang UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbigay din ng update ang Canadian envoy kay DFA Sec. Manalo kaugnay sa Memorandum od Understanding on Defense Cooperation ng Canada at PH na nilagdaan noong Enero 2024 para simulan ang kooperasyon sa pagitan ng 2 bansa kaugnay sa military education, training exchanges, information sharing, peacekeeping operations at disaster response.
Napag-usapan din ang tungkol sa matatag na people-to-people ties na nagsisilbing pundasyon ng bilateral relationship gayundin ang iba pang shared priorities.
Nabanggit din ang posibleng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Canada.
Maaalala na kamakailan ay nagsagawa ang PH, US, Japan at Australia ng naval drills sa pinagtatalunang West Philippine Sea.