-- Advertisements --
Panelo
Presidential Spokesman Salvador Panelo

Iginiit ng Malacañang na nais ng Pilipinas at China na matapos na sa lalong madaling panahon ang imbestigasyon sa insidente sa Recto Bank kung saan 22 Pilipinong mangingisda ang inabandona at hindi tinulungan ng isang Chinese vessel matapos mabangga nito sa karagatan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, payag na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ng China na huwag ng magkaroon ng third party investigator sa Recto Bank incident.

Ayon kay Sec. Panelo, kagaya ng China, gusto na ni Pangulong Duterte ng “closure” o pagtatapos sa isyu.

Inihayag ni Sec. Panelo na sa oras na matapos ang imbestigasyon, maglalabas ng joint statement ang Pilipinas at China para matuldukan na ang isyu.

“Sabi ng presidente okay lahat sakin iyan, wala ako problema diyan. Ang akin lang tapusin na natin ang isyu kasi nasisira na ang relasyon natin at ginagatasan ng mga kritiko at detractors,” ani Sec. Panelo.