Nagkasundo ang Pilipinas at China na pahupain na ang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS) partikular sa Ayungin Shoal.
Ito ay kasunod sa isinagawang China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism.
Ayon kay National Security Council Secretary Eduardo Año, ito ang isa sa maibabahagi niya sa isinagawang pag-uusap.
Gayunpaman, ipinaubaya na ni Sec. Año ang iba pang mga detalye na ihayag na lamang ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ng Kalihim isang magandang hakbang para mapanatili ang peace and stability sa rehiyon na pahupain ang tensiyon.
Binigyang-diin din ni Año na ayaw ng Pilipinas ng giyera kaya lahat ng paraan ay ginagawa ng bansa para hindi humantong sa hindi magandang sitwasyon.
Hindi lamang aniya dapat tumutok sa maritime and law enforcement kundi maging sa diplomatic at legal na paraan.
Patuloy din ang gagawing pag-uusap ng Pilipinas sa ibat ibang bansa at maging sa international community para suportahan tayo sa paninindigan na sumunod rules-based international order.
Siniguro din ni Año batay sa direktiba ng Pangulong Marcos magpapatuloy ang pagsasagawa ng rotation and resupply mission sa mga tropa na naka station sa BRP Sierra Madre.
Samantala, ayon kay Sec Año hindi na rin bago ang pahayag ng China na hindi nila kilalanin ang Arbitral Tribunal Ruling na iginawad sa Pilipinas.
Suportado din ng international community ang arbitral award sa Pilipinas.