-- Advertisements --
wps

Nagkasundo ang Pilipinas at China na pangasiwaan ang kanilang mga pagkakaiba at pangasiwaan ang mga issue sa West Ph Sea sa pamamagitan ng “friendly consultations,” ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na ang magkabilang panig ay nag-explore ng mga paraan upang isulong ang maritime cooperation.

Tinalakay din ng dalawang panig ang kani-kanilang posisyon sa 2016 Arbitral Award sa West Ph Sea kasama ang iba’t ibang insidente sa nasabing karagatan na sinusubaybayan mula pa noong 2021.

Kabilang din sa mga tinalakay ay ang muling pagbisita sa 2016 Memorandum of Understanding on Establishing the Joint Coast Guard Committee at ang pagpupulong ng Annual Defense Security.

Sinabi ni DFA Undersecretary Maria Theresa Lazaro, na ang Maynila ay umaasahang hindi na mag-uulat ng mga insidente sa maritime ng Pilipinas laban sa China.

Ang mga bagong inisyatiba ay pinalutang din at tinalakay, kasama ang pagsasanay at pagbuo ng kapasidad sa aquaculture at marine environment cooperation.

Sa ngayon, ang dalawang bansa ay nag-uugnayan upang maisaayos ang mga usapin sa magkabilang panig partikular na ang mga issue sa West Philippine Sea.