-- Advertisements --
KUWAIT 4

Ipinaabot ngayon ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang pakikiramay ng Pilipinas sa mamamayan ng bansang Kuwait dahil sa pagpanaw ni Emir Sheikh Sabah al-Ahmad al-Jaber al-Sabah.

Una nang inanunsiyo ng gobyerno ang pagpanaw ni Sheikh Sabah sa edad na 91-anyos.

Ayon kay Locsin, naiintindihan ng mga Pilipino ang labis na kalungkutan na nadarama ng Kuwaiti people sa pagkawala ng kanilang Emir.

Ang Kuwait ay host sa tinatayang mahigit sa 200,000 mga OFWs.

“God willing, His Highness Sheikh Sabah al-Ahmad al-Jaber al-Sabah, the Emir of Kuwait, who moved to the vicinity of His Lord.’ Our deepest condolence to the Kuwaiti people for their inestimable loss; Filipinos share their deep sadness and sorrow,” ani Locsin sa Twitter post.