-- Advertisements --

Pinaplano ng militar ng Pilipinas at France na palakasin ang kanilang defense ties at bilateral cooperation.

Ito ay matapos magkita sina French Joint Commander for Asia Pacific Rear Admiral Guillaume Pinget at AFP Acting Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida sa Camp Aguinaldo noong Huwebes.

Ayon sa AFP, parehong binigyang-diin ng mga opisyal ang pagpapalakas ng defense partnership sa pamamagitan ng modernisasyon, training exchange, at iba pang bilateral activities upang mapabuti ang operational readiness.

Bahagi rin ito ng pagsisikap ng Pilipinas na palakasin ang seguridad at katatagan sa rehiyon.

Samantala, kinukonsidera ng Pilipinas ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa France, Canada, at New Zealand upang mapalakas ang interoperability ng kanilang pwersang militar.