Sisimulan na ng Pilipinas at France ang mga diskusyon sa posibleng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Mayo.
Ito ang kinumpirma ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel.
Aniya, pag-uusapan ng mga opisyal ng 2 bansa ang posibleng palitan ng mga tropa sa 2 panig sa gaganaping pagpupulong ng cooperation at defense committees ng PH at France sa Paris sa Mayo 20 hanggang 21.
Nilagdaan na ng 2 panig ang letter of intent para simulan ang naturang pag-uusap noong Disyembre 2023.
Sa nakalipas na taon, pinapalakas ng PH at France ang kanilang military alliance para tiyakin ang rules-based international order sa gitna ng mga banta sa karagatan.
Gayundin pagdating sa defense at security, energy security, food security at maritime security.
Sa kasalukuyan, mayroong aktibong VFA ang PH sa US na nagpapahintulot sa mga tropa ng 2 bansa para magkasamang magsanay para maghanda laban sa posibleng mga military at environmental threats.
Samantala, gaya ng Amerika ang France ay isa ring hayagang tagasuporta ng PH sa tuwing humaharap ng agresyon ang PH sa West Philippine sea.