Kapwa siniguro ng Pilipinas at Indonesia na palalakasin pa nila ang ugnayan lalo na sa law enforcement.
Itoy kasunod sa naging pulong ng ASEAN National Police (ASEANAPOL).
Nagpulong ang Indonesia at Philippine authorities kaugnay ng pagpapauwi kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Naaresto si Guo noong Huwebes, September 5, sa pakikipagtulungan ng Indonesia National Police (INP) at Philippine National Police (PNP).
September 6, ay agad namang nai-turn over si Guo kina Interior Secretary Benhur Abalos at PNP Chief General Rommel Marbil na siyang nanguna sa pakikipag-usap at pagsundo upang maibalik si Guo sa Pilipinas.
Pinasalamatan nina Sec Abalos at PNP chief Rommel Marbil ang Indonesian government at sina INP Chief Police General Listyo Sigit Prabowo at Inspector General of Police Krisna Murti na siyang nanguna sa pag-aresto kay Guo sa Tangerang City, Indonesia.
Ayon sa ASEANAPOL, ang operasyon ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa ng ASEAN police service sa paglaban sa transnational crime at iba pang complex cross-border crimes nang mapanatili ang hustisya at kapayapaan sa buong rehiyon.