Magsasagawa ang Pilipinas at Japan ng high-level defense at security talks sa susunod na buwan.
Layunin ng dalawang bansa na palakasin pa ang ugnayan sa pagharap sa umiigting na pressure ng China sa rehiyon.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatalakayin nina Japan’s Defense Minister Minoru Kihara at Foreign Minister Yoko Kamikawa ang bilateral and defense at security issues na nakakaapekto sa rehiyon sa isasagawang ikalawang Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting (“2+2”) sa Manila sa Hulyo 8.
Sa official visit ng 2 Japanese official sa bansa, makikipagpulong ang mga ito kina DFA Sec. Enrique Manalo at DND Sec. Gilbert Teodoro.
Ang naturang pag-uusap ay kasunod ng tumitinding mga komprontasyon sa karagatan sa pagitan ng mga barko ng China at Pilipinas kasabay ng pagpapaigting pa ng mga pagsisikap ng Beijing na igiit ang mga claim nito sa halos buong pinag-aagawang karagatan.
Ang Japan at China din ang mayroong dispute sa mga isla sa East China Sea na kontrolado ng Japan.
Sa gitna din ng maritime disputes, nakikipag-negosasyon ang Japan sa Pilipinas na sinakop nito noong WWII, para sa defense pact sa Manila na magpapahintulot sa 2 bansa na mag-deploy ng mga tropa sa kani-kaniyang teritoryo.