Nagsanib pwersa ang Pilipinas at Japan para sa mga itatayong high-ticket infra projects at mga critical projects sa bansa.
Kabilang sa mga nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa ay ang budget support sa health at climate initiatives ng gobyerno ng Pilipinas.
Pinangunahan ni Finance Secretary Ralph Recto kasama ang mga matataas na senior officials ng Japan ang pormal na pagpirma sa kasunduan.
Batay sa napagkasunduan , magkakaroon ng pondo ang Davao Bypass Construction Project na may kabuuang halaga na aabot sa P17.67 bilyon.
Ang proyektong ito ay naglalayong pagtibayin ang mobility ng mga Dabawenyo na makatutulong para lumago ang ekonomiya ng Mindanao.
Kabilang rin sa mga popondohang proyekto ay ang Pasig Marikina River Channel Improvement Project Phase IV, Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project and Climate Change Action Program, at maging ang Build Universal Health Care Sub Program 2.