Kinumpirma ng Pilipinas at Japan ang mahigpit na ugnayan sa mga isyu sa East at West PH Sea at iba pang mga usapin.
Sa pagpupulong nina Department of Foreign Affairs (DFA) Enrique Manalo at Minister for Foreign Affairs ng Japan Kamikawa Yoko, inulit ng dalawang lider ang pangako ng magkabilang panig sa iba’t ibang larangan.
Nagpulong ang dalawang opisyal sa Asia-Pacific Economic Cooperation(APEC) Ministerial Meeting sa San Francisco, California.
Ang parehong mga opisyal ay sumang-ayon upang patuloy na isulong ang bilateral cooperation tulad ng seguridad kabilang ang Official Security Assistance (OSA), transfer of defense equipment and technology, ang maritime security capacity building, kabilang ang provision ng patrol vessels, gayundin ang materialization ng Japan-US-Philippine cooperation.
Inulit din ni Kamikawa ang posisyon ng Japan sa sitwasyon ng Israeli-Palestinian, na tumutukoy sa nagkakaisang mensahe na inihatid ng G7 Foreign Ministers sa kamakailang G7 Foreign Ministers’ Meeting.
Una na rito, sumang-ayon din ang dalawang ministro na magtrabaho nang malapit tungo sa tagumpay ng Commemorative Summit para sa ika-50 taon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Friendship noong Disyembre.