Ipinagdiriwang ng Pilipinas at Malaysia ang ika-60 anibersaryo ng pormal na pagkakaroon ng diplomatic relations.
Ibinahagi ng Department of Foreign Affairs ang 60th Anniversary logo na mayroong Sampaguita at Bunga Raya, ang national flowers ng dalawang bansa. Ito raw ay sumisimbolo sa pagkakaibigan ng dalawang bansa na mayroong pagkakatulad ang kasaysayan at kultura.
Dinesenyo ito ng isang Filipino engineer na si Jayven Villamater na pinili ng panel of judges mula sa 54 entries na ipinasa.
Nag-oorganisa rin umano ang Philippine Embassy ng year-long activities gaya na lamang ng “Islam: Weaving Stories and Art in the Philippines” na ginanap sa Islamic Arts Museum Malaysia noong May 16, 2024.
Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Malaysia noong 1959 nang magkaroon ng Philippine legation sa Kula Lumpur na kalaunan ay naging consulate noong May 18, 1964. Magmula noon ay nanatili na ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at mas pinalakas ang bilateral ties, regional stability, at mutual prosperity.