Kapwa nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na paiigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan gaya ng pag explore pa sa mga strategic measures na magpapalakas sa trade and investment, pagpapalawak sa ibat ibang kooperasyon, paglaban sa climate change, human trafficking at iba pa.
Ikinagalak naman ng Pangulong Marcos na sinama ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al-Thani sa kaniyang iskedyul ang pagbisita nito sa Pilipinas.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ng lider ng Qatar sa Pilipinas.
Umaasa si Pang. Marcos na magiging produktibo ang kanilang pag-uusap at magbukas ito ng mga oportunidad para paigtingin pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Qatar partikular sa commercial level na usapin, government -to-government level at people-to-people level.
Sa panig naman ng Qatari Amir, na lubos nitong ikinagalak ang kaniyang pagbisita sa bansa.
Ayon sa lider ng Qatar ang lalagdaang kasunduan ng dalawang bansa ay lalong magpapa angat sa komunikasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni His Highness Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani na mahalagang partner ng Qatar ang Pilipinas.