Lumagda ang Pilipinas at South Korea sa isang free trade agreement (FTA) sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, Indonesia.
Sinaksihan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at South Korean President Yoon Suk Yeol ang paglagda ng naturang kaasunduan sa pagitan nina Trade Secretary Alfredo Pascual at South Korean Trade Minister Ahn Duk Geun sa isang okasyon ng ika-24 na ASEAN-Korea Summit kahapon.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr. magpapa-ibayo pa lalo sa magandang relasyon at partnership sa pagitan ng PH at SoKor ang naturang trade agreement at nagpahayag din ng kumpiyansa na maisasama din ang private firms at private sector partners higit pa sa government-to-government partnership na mayroon ang dalawang bansa.
Sa ilalim ng bagong lagdang FTA, inaasahang matatanggal ang mga taripa sa karamihan ng mga produkto mula sa dalawang bansa magbubukas ng oportunidad para sa mabilis na paglago sa bilateral trade.
Ang South Korea kasi ay isang valued trade at investment partner ng PH.
Matatandaan na una ng sinimulan ng PH at SoKor ang negosasyon para sa free trade agreement noong Hunyo ng taong 2019 at natapos noong Oktubre ng 2021.
Nakatakda sanang lagdaan ang kasunduan nong Hunyo 2022 subalit nagkaroon ng ilang legal scrubbing o para matiyak na parehong sang-ayon ang dalawang partido sa concluded chapter texts ng free trade agreement kabilang ang kalakalan sa goods, trade Remedies, Customs Procedures and Trade Facilitation, Rules of Origin, Competition, and Chapters under Legal and Institutional Issues.