Kapwa nangako sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na lalong palakasin ng dalawa bansa ang
32-year-old diplomatic ties.
Ito’y matapos ihayag ni Ukraine President Zelensky na magbubukas sila ng embahada dito sa Pilipinas ngayong taon.
Ginawa ng dalawang lider ang commitment matapos ang ginawang pagbisita sa bansa ni Zelensky sa Pilipinas.
Alas-9:00 ng umaga kanina ng dumating si Zelensky sa Palasyo kung saan siya ay sinalubong ni Pang. Marcos.
Nasa bansa si Zelensky para sa isang araw na working visit matapos itong surpresang dumalo sa ika-21st edition of the International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue in Singapore.
Ikinalugod naman ni Pangulong Marcos ang balitang pagbubukas ng Ukraine Embassy sa Manila.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na isang magandang balita ang pagbubukas ng embassy ng Ukraine at siniguro ang kaniyang suporta.
Pinasalamatan din ni Zelensky si Pang. Marcos sa tulong ng Pilipinas sa kanilang bansa at ginawa nitong pag-imbita na magtungo sa bansa.
Natutuwa naman si Zelensky sa mainit na pagtanggap ng Pilipinas kaniyang pagbisita na siyang kauna-unahan at sinabing hindi rin ito ang magiging huli.
Binigyang-diin ng Pangulo sa Ukrainian leader na patuloy nitong isusulong ang international rules-based order.