Naging matagumpay ang idinaos na Cope Thunder Exercises 23-1 ng Philippine at United States Air Force sa bansa matapos ang opisyal na pagsasara nito ngayong araw na ginanap sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.
Ang Closing Ceremony ng naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng 5th Fighter Wing ng Philippine Air Force at 14th Fighter Squadron ng United States Air Force mula sa 35th Fighter Wing ng Pacific Air Force.
Ang Cope Thunder Exercises 23-1 na magkasamang isinagawa ng dalawang bansa ay sumasalamin sa mahigpit na mga pagsasanay ng mga ito na nagpapakita ng matatag na pakikipagtulungan ng dalawang Air Force.
Dito ay nagpakitang gilas din ang dalawang hukbong panghimpapawid kung saan nagsagawa ang mga ito ng serye ng joint flight training exercises, at gayundin ang mga pagsasagawa ng Maintenance and Secuirty Forces Training na bahagi naman ng Subject Matter Expert Exchanges.
ANg pagtatapos ng Cope Thunder 23-1 ay inaasahang masusundan pang muli ng mas malaking pagsasanay na lalahukan naman ng mas maraming tauhan at air asset mula sa parehong Air Forces.
Ito ay nakatakda sa darating na Hulyo 2 hanggang 12, 2023, na target na magkaroon ng komprehensibong malaking bilang ng puwersa ng mga militar para sa deployment ng mga military personnel at equipment, kasabay ng pagsubok sa air mobility at combat readiness ng mga ito sa isang makakatotohanang operational environment.