-- Advertisements --
image 387

Muling bubuhayin ng Philippine at US Air Force ang Cope thunder joint exercise 23 taon ang nakakalipas mula ng ipatigil ito noong 1991.

Ayon sa Pacific Air Forces Public Affairs, nakatakdang simulan ang naturang joint exercise sa Mayo 1 hanggang Mayo 12.

Magbibigay aniya ito ng pambihirang pagkakataon para mapagkaisa ang pwersa at mapabuti ang interoperability sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Kabilang sa muling pagbubukas ng Cope Thunder ang primary flight operations sa Clark Air Force base sa Pilipinas.

Layunin ng joint exercise na ito na makapagbigay ng bilateral fighter training sa air forces ng Pilipinas at Amerika at malinang pa ang kanilang

Inaasahang nasa 160 miyembro ng US Air force ang lalahok gayundin ang mahigit 12 aircraft mula sa 35 Fighter Wing, Misawa Air Base sa Japan para sa nasabing joint exercise.

Makikipagpalitan naman ang mga personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga taktika, techniques at procedures sa nasabing exercise.

Nagsimula ang Cope Thunder military exercise sa Pilipinas noong 1976.