-- Advertisements --
military drill2

Isasagawa ngayong taon ng Pilipinas at Amerika ang biggest joint military drills simula noong 2015 sa gitna ng umiigting na tensiyon sa China sa West Philippine Sea.

Ang taunang balikatan exercise ay kasunod ng pinagtibay pang ugnayan sa pagitan ng Amerika sa ilalim ng admisnitrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kasunod na rin ng pagkondena ng Pilipinas sa agresibong aksyon ng China sa pinag-aagawang karagatan kabilang ang paggamit ng military-grade laser laban sa Philippine Coast Guard vessels nitong unang bahagi ng buwan ng Pebrero.

Ayon kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner, isasagawa ang balikatan exercises sa ikalawang quarter ng kasalukuyang taon kung saan kalahok ang nasa mahigit pa sa 8,900 tropa noong nakalipas na taon.

Ito aniya ay bilang tugon sa lahat ng uri ng banta na maaaring harapin ng hukbo sa hinaharap.